Hindi pa lusot si VP Sara Duterte sa pananagutan kaugnay ng hinihinalang maling paggamit ng confidential funds nito.
Reaksyon ito ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima matapos ipahayag ni VP Sara na hindi na nito ikinagulat ang panibagong impeachment complaint na ihahain laban sa kaniya sa Kamara.






















