Binawi na ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng babaeng rider-vlogger na si Ishi Lee dahil sa patong-patong na parusa sa paglabag sa mga batas trapiko.
Ayon sa LTO, kasunod ito ng pagkalat sa social media ng kanyang video ng reckless driving at distracted driving.





















