Tila nagkamali ng pagkakaintindi ang Iran sa probisyon ng tigil-putukan na idineklara sa pagitan nito at ng Amerika.
Sa pahayag ni US Vice President JD Vance, nilinaw niyang ang kasunduan ay para lamang sa Iran at Amerika, at hindi saklaw ang mga bansang walang direktang kaugnayan sa gulo, kabilang ang Lebanon.






















