Bagamat hindi suportado ni US President Donald Trump ang ginawang pag-atake ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa Iran noong weekend, sinabi niyang nauunawaan niya ang naging hakbang ng Israel dahil may karapatan umano itong ipagtanggol ang sarili.
Gayunman, inamin ni Trump na pinayuhan niya si Netanyahu na ihinto ang mga pag-atake sa lalong madaling panahon upang maiwasan ang mas malawak na digmaan sa rehiyon.






















