Kasunod ng banta noong Linggo, muling ipinagpaliban ni US President Donald Trump ang umano’y panibagong pag-atake ng Estados Unidos sa Iran, dahil sa mabagal na usad ng negosasyon sa pagitan ng Washington at Tehran.
Ayon sa US President, nakiusap umano sa kanya ang ilang bansa sa Gulf na huwag munang umatake at bigyan ng panahon ang gumugulong na usapang pangkapayapaan.






















