Ipinag-utos ni US Department of State Secretary Marco Rubio ang mas mahigpit na hakbang laban sa mga dayuhang pinaghihinalaang sumusuporta sa mga kalaban ng United States, kabilang ang posibleng pagpapataw ng visa restrictions.
Saklaw din ng hakbang ang paghihigpit sa pagpasok ng mga indibidwal mula sa mga bansang may ugnayan sa mga kaaway ng Amerika, bilang bahagi ng pagpapalakas ng pambansang seguridad.






















