Inaasahang muling magsasagawa ng pag-atake ang Estados Unidos laban sa Iran ngayong araw matapos targetin kahapon ng US forces ang mga air defense systems, radar sites at military facilities ng Iran malapit sa Strait of Hormuz dahil sa umano'y pagpapabagsak nito sa isang US Apache helicopter.
Nauna nang itinanggi ng Iran ang akusasyon ng Estados Unidos at gumanti ng pag-atake sa mga base militar ng Amerika sa Bahrain, Jordan at Kuwait.






















