Pinag-iingat ng United States Embassy ang kanilang mga mamamayan na nasa Pilipinas sa gitna ng napipintong September 21 rallies.
Sa mensahe sa US citizens, pinapayuhan ng embahada ang mga ito na huwag na munang magpunta sa mga lugar na pagdarausan ng mga kilos-protesta bunsod ng posibilidad ng pagkakaroon ng karahasan.