Tuloy ang panghaharang ng Amerika sa mga barko sa Strait of Hormuz na may kaugnayan sa Iran kahit may umiiral na ceasefire.
Ayon sa pahayag ng US spokesperson, hindi kabilang sa mga probisyon ng ceasefire ang naturang blockade, bagay na tinututulan ng Iran.
Iginiit ng Iran na kung nais ng Amerika na muling makipagkasundo, dapat nitong itigil ang panghaharang sa mga barkong may ugnayan sa kanilang bansa.






















