Nagpadala ang Estados Unidos ng 137,000 family food packs at 500 emergency shelter kits bilang tulong sa mga naapektuhan ng magkakasunod na lindol sa Davao Oriental.
Ayon kay US Ambassador MaryKay Carlson, nakikiramay sila sa mga pamilyang nasalanta at tiniyak ang patuloy na koordinasyon sa Department of Social Welfare and Development para sa karagdagang tulong.