Walang napagkasunduang extension sa nakatakdang tariff deadline sa pagitan ng Estados Unidos at China matapos ang 2 araw na negosasyon ng dalawang bansa sa Stockholm.
Gayunman, may mga pahiwatig mula sa magkabilang panig na maaaring magkaroon pa rin ng pag-uusap sa mga susunod na araw kaugnay dito.