Tiniyak ni House Deputy Minority Leader at Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña na muling pagtutuunan ng pansin ang unprogrammed appropriations sa panukalang pondo para sa 2026 pag isinailalim muli sa plenaryo ng Kamara para sa ikalawang pagbasa.
Ito ay matapos irekomenda ng House Budget Amendments Review Subcommittee o BARS-C na tapyasan ang unprogrammed appropriations.