Nais ng Ukraine na maging opisyal na sectoral dialogue partner ng ASEAN bago matapos ang chairship ng Pilipinas ngayong 2026. Ayon kay Ukrainian Ambassador Yuliia Fediv, layunin ng Ukraine na palawakin ang ugnayan nito sa Southeast Asia at patibayin ang kooperasyon sa Pilipinas at iba pang ASEAN member states.






















