Hindi patas para sa Ukraine ang umano’y pananahimik ng Amerika sa kabila ng patuloy na pag-atake ng Russia at paglabag nito sa idineklarang energy ceasefire ni U.S. President Donald Trump.
Ikinababahala rin ng ilang opisyal ng Kyiv ang umano’y pagkiling ng Washington sa Moscow, kasunod ng banta ng U.S. na limitahan ang intelligence sharing at mga problemang kinakaharap sa Starlink system na ginagamit ng Ukrainian forces.






















