Naiinip na umanong maghintay si U.S. President Donald Trump sa magiging desisyon ng Iran para makabuo ng kasunduan ang Washington at Tehran na tuluyang magwawakas sa tensyon sa Gitnang Silangan.
Sa post ni Trump sa Truth Social, muli niyang binigyang babala ang Tehran na limitado na ang oras nito at kailangan nang kumilos ang Iran kung ayaw nitong humarap sa mas matinding panganib.






















