Nakatakdang makipagpulong si Pangulong Volodymyr Zelensky ng Ukraine kay US President Donald Trump upang talakayin ang panukalang 28-point peace plan na layong wakasan ang digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Ayon sa opisina ng Ukrainian president, naniniwala sila na malaki ang maitutulong ng Amerika sa plano para muling pasiglahin ang diplomasya at makamit ang tunay na kapayapaan sa rehiyon.






















