Nanawagan ang grupo ng truck drivers sa pamahalaan na pansamantalang alisin ang 24/7 truck ban upang maparami ang kanilang biyahe at maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng langis sa kanilang kita.
Ayon sa grupo, makatutulong ang mas maluwag na operasyon upang makabawi sa tumataas na gastos sa krudo na patuloy na nagpapabigat sa kanilang hanapbuhay.






















