Aarangkada na ngayong araw ang malakawakang tigil-pasada ng iba't-ibang mga transport group, bilang protesta sa anila'y kakulangan ng aksyon ng pamahalaan na tugunan ang problema sa labis na pagtaas ng presyo ng langis.
Kaugnay nito ay nagtalaga ng mga transport strike center ang grupong Manibela sa iba't-ibang mga lugar sa bansa.






















