Maaari nang makita ang mga partikular na datos ng government infrastructure projects online.
Ito ang binuksan sa publiko ng pamahalaan sa pamamagitan ng DPWH transparency portal.
Magsisilbi itong digital library para sa higit 247,000 na mga proyekto ng DPWH mula taong 2016, kung saan makikita ang mahahalagang detalye gaya ng implementing office, kabuuang halaga ng proyekto, progress rate, at pinagmulan ng pondo.






















