Sa darating na Huwebes, opisyal na manunumpa si Justice Secretary Crispin Remulla bilang bagong Ombudsman.
Sa gitna yan ng mga pagtutol at batikos sa kaniyang kakayahan at integridad na pangunahan ang constitutional body at ang paghahabol at pagpapanagot sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.
Sa naging panayam ngayong hapon, inilatag ng Kalihim ang kaniyang mga pangunahing isusulong bilang bagong Ombudsman.