Muling nanawagan ang Independent Commission for Infrastructure o ICI na imbestigahan at sampahan ng kaso ang mga sangkot sa umano’y malawakang korupsiyon sa mga flood control project ng gobyerno.
Kaugnay ito ng nagpapatuloy na pagsusuri ng komisyon sa mga kontratista at opisyal na posibleng sangkot sa anomalya, kabilang na ang tinaguriang “top 15 contractors” na una nang binanggit ni PBBM.






















