Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maaaring bumalik at lumakas ang tiwala ng publiko sa mga namamahala sa gobyerno kung may naipapakitang malinaw na proseso ang pamahalaan at paninindigan nito ang kaniyang pananagutan.
Ayon kay PBBM, dapat gayahin ng nasa pamahalaan ang ipinapakita ng ilang barangay na nagpatupad ng mga hakbang na nagbunga ng magandang resulta sa komunidad.






















