Tuloy na tuloy na ngayong araw, March 19, ang tigil-pasada ng grupong Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide o PISTON laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo at mataas na buwis dito.
Ayon kay Mody Floranda, national president ng Piston, layunin ng kilos-protesta na ipanawagan ang pagbuwag sa Oil Deregulation Law na nagtanggal sa kontrol ng gobyerno sa presyo at pag-aangkat ng petrolyo.






















