May hawak umano na record si Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste ng palitan ng text messages nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Presidential Legislative Liaison Office Undersecretary Adrian Bersamin kaugnay ng kickback sa bilyong pisong halaga ng budget insertions mula December 2024 hanggang July 2025. Kabilang na umano ang delivery ng nasa P8-B halaga ng salapi.






















