Magsisimula na ngayong araw ang paglalatag ng House prosecution team sa impeachment court ng mga ebidensya at testigo laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng alegasyong hindi maipaliwanag na kayamanan ng Bise Presidente.
Patuloy namang pinag-aaralan ng prosekusyon kung isalang o hindi sa witness stand ang asawa ng Pangalawang Pangulo na si Atty. Manases Carpio.






















