Dismayado si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa asal ng ilang estudyante mula sa isang unibersidad sa Maynila matapos umanong manugod sa mga sundalo ng pamahalaan.
Ayon sa kalihim, nagsasagawa lamang ng exhibit ang mga tauhan ng Philippine Air Force bilang bahagi ng kanilang anibersaryo.
Iginiit ni Teodoro na nararapat disiplinahin ng pamunuan ng unibersidad ang mga sangkot na estudyante upang mapanatili ang kredibilidad ng institusyon.






















