Inihalintulad ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa isang malalang sakit ang aniya’y talamak na katiwalian sa mga proyekto ng pamahalaan.
Nangako naman ang Pangulo ng patuloy na paglaban sa korapsyon sa natitirang ilang taon ng kaniyang administrasyon.






















