Tulad ng inaasahan, may panibagong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo bukas, March 17.
Gayunman, hindi na ito sinlaki ng ipinatupad na oil price increase noong nakaraang linggo.
Muli ring tiniyak ng Department of Energy na may sapat na supply ng langis sa bansa na tatagal hanggang buwan ng Abril o hanggang Mayo kung tuloy-tuloy ang pagtitipid.






















