Posibleng tumaas ang presyo ng holiday food items dahil sa pagdami ng demand bunsod ng mga relief operations matapos ang sunod-sunod na bagyo at lindol sa bansa.
Bagama’t may 60-day price freeze sa mga pangunahing bilihin, nilinaw ng Department of Trade and Industry o DTI na hindi saklaw ng regulasyon ang presyo ng mga pagkaing kalimitang inihahanda tuwing Disyembre.























