Matapos manalasa sa Pilipinas, unti-unti nang lumalapit sa Hong Kong ang bagyong Ragasa na itinuturing na pinakamalakas na bagyo ngayong taon.
Dahil dito, itinaas na ng Hong Kong Observatory ang storm signal no. 8 na nangangahulugang aasahan ang malalakas na hangin na aabot sa higit 63 kilometer per hour.