Naitala ang pinakamatinding pagbaha sa Bali, Indonesia sa nakalipas na 10 taon na nagresulta sa pagkamatay ng hindi bababa sa 14 na indibidwal.
Dulot ito ng malakas na ulan na nagpaapaw sa mga ilog at nagdulot ng pagguho ng lupa, pagkasira ng mga tulay, at pagkalubog ng mga bahay kung saan daan-daang residente ang inilikas.