Kinumpirma ni Senate President Tito Sotto ang plano niyang makipagpulong kay dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng nalalapit na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa umano’y anomalya sa flood control projects.
Nanindigan din si Sotto na walang isyu sa kaniyang liderato kahit muling pamunuan ni Sen. Panfilo Lacson ang Blue Ribbon Committee.






















