Iniimbestigahan na ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang grupo ni Saddam Siddik bilang nasa likod umano ng ambush sa military convoy sa Tipo-Tipo, Basilan noong Lunes ng umaga.
Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro, pagganti umano ito sa naunang operasyon laban sa grupo ni Siddik, na iniuugnay naman sa illegal drug trade.






















