Pinagpapaliwanag ng Department of Transportation ang isang shipping line sa Zamboanga matapos umano itong magpatupad ng 140% na pagtaas sa pamasahe sa kanilang barko.
Iniutos ni Transportation Secretary Giovanni Lopez sa Maritime Industry Authority ang pagpapalabas ng show cause order laban sa kumpanya upang ipaliwanag ang umano’y hindi makatuwirang fare hike.






















