Ilulunsad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang service contracting program simula sa April 15 upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo ng public utility vehicle sa buong bansa.
Sa gross contract, magbibigay ng libreng sakay ang mga driver kapalit ng bayad mula sa gobyerno, habang sa net contract ay mananatili ang pamasahe ng pasahero.






















