Inirekomenda na ng National Bureau of Investigation o NBI na sampahan ng mga reklamong kriminal sina Senators Joel Villanueva at Jinggoy Estrada, Congressman Zaldy Co, at iba pang personalidad kaugnay ng kontrobersyal na flood control projects.
Ayon kay Justice Secretary Boying Remulla, pina-freeze na rin ng Anti-Money Laundering Council ang bank accounts ng mga ito.