Nilinaw ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na walang ethics complaint sa Senado sina Senators Bato dela Rosa at Joel Villanueva. Kaugnay ito ng pagpapalit ng dalawang miyembro ng Senate Committee on Ethics and Privileges na nakumpleto lang ang komposisyon noong Lunes.






















