May nagtangka umanong mag-alok kay Senator Loren Legarda ng Senate presidency.
Ito ang kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto III, isang araw matapos niyang pabulaanan ang mga ulat na may namumuong pagpapalit ng liderato sa Senado.
Aminado rin ang isang miyembro ng Minority Bloc na kung siya ang masusunod, mas nais niyang mula sa kanilang hanay ang mamuno sa Senado sakaling umakyat dito ang impeachment case ni Vice President Sara Duterte.






















