Hinay-hinay lang.'
Ito ang payo ni Senator Panfilo Lacson kay Batangas First District Rep. Leandro Legarda Leviste.
Ayon kay Sen. Lacson, mismong ang ina ng neophyte congressman na si Sen. Loren Legarda ang lumapit sa kanya para hilingin na mabigyan ito ng advice kasunod ng mga natatanggap nitong pambabatikos dahil sa paghahayag ng nilalaman ng Cabral files.






















