Inilahad ni Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Panfilo Lacson na mayroon umanong P2.5 bilyon na allocables si Sen. Imee Marcos sa 2025 National Expenditure Program (NEP).
Ito ay sa gitna ng pagtuligsa ng presidential sister sa naisabatas na 2026 national budget na pork barrel o mga pondo para mga lokal na proyekto na kadalasan ay ginagamit para makakuha ng boto at suporta.






















