Walang ideya si Senator Loren Legarda sa usap-usapang term-sharing sa liderato ng Senado.
Ito ay matapos ipalutang ng ilang miyembro ng mayorya ang ideya ng paghahati ng termino sa pagitan ng senadora at ni Senate President Vicente Sotto III.
Inilahad naman ni SP Sotto na plano nilang ibigay ang pamumuno sa Senado kay Legarda sa huling dalawa hanggang tatlong buwan ng kanyang termino.






















