Iginiit ni Senador Loren Legarda na hindi niya sinikil ang karapatan ni Senador Francis Pangilinan na magsalita sa gitna ng matinding diskusyon kagabi kaugnay ng pag-amyenda sa Senate rules.
Ipinaalala pa ng senadora ang nangyari sa kanya noong 2004 kung saan saksi mismo si Senador Pangilinan sa pagpapatigil sa kanyang magsalita.






















