Sinabi ni Senate Blue Ribbon Chair Sen. Panfilo 'Ping' Lacson na posibleng maparusahan ang pagbawi ng salaysay o recantation. Ito ay matapos lumutang ang isyu na binawi ni dating Department of Public Works and Highways District Engineer Henry Alcantara ang kanyang naunang salaysay na isinumite sa Department of Justice (DOJ).






















