Nagpahayag ng kanyang posisyon si Senator Risa Hontiveros kaugnay ng pagkakadawit ng pangalan nina Senator Bong Go at Senator Ronald dela Rosa sa kaso sa International Criminal Court (ICC).
Nilinaw naman ni Senator Panfilo Lacson na pinoprotektahan lamang niya ang ligal na proseso sa bansa at hindi ang dalawa nitong kasamahan sa Senado.
Iginiit naman ni Senator Bong Go na walang anumang bawal o ilegal na iniutos sa kanya si dating Pangulong Rodrigo Duterte noong siya ay nagsisilbi bilang close aide nito.






















