Humiling si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa Korte Suprema ng temporary restraining order laban sa posibleng pagpapatupad ng umano’y arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).
Ayon sa abogado ng senador, may panganib na maaresto siya o mapasakamay ng hukuman ng ibang bansa nang hindi nasusunod ang due process.






















