Matapos ang halos anim na buwang hindi pagpapakita sa Senado, sorpresang pumasok nang personal kahapon si Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
Sa kanyang pagdating, naging maaksiyon ang mga tagpo matapos niyang abutan na nakaabang sa kanya sa Senado ang mga operatiba ng National Bureau of Investigation na agad sinundan ng kanyang warrant of arrest mula sa International Criminal Court o ICC.






















