Itinanggi ni Senator Alan Peter Cayetano na humiling siya ng ceasefire kay Senator Ping Lacson.
Sa isang X post kahapon, inihayag ni Senator Lacson ang kaniyang pagtanggi sa umano'y alok na ceasefire na hinihinalang may kaugnayan sa ginagawa nitong paghalungkat sa isyu ng flood control projects sa Taguig City.






















