Matapos ang 6.9 magnitude na lindol sa Cebu noong Setyembre 30, inamin ng PHIVOLCS na kulang pa rin ang bansa sa seismic monitoring system.
Ayon kay PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol, may 185 aktibong fault sa Pilipinas pero 125 seismic stations lang ang gumagana — malayo sa target na 300.