Walang special treatment.
Ito ang binigyang-diin ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla kasunod ng puna sa ipinakitang pagmamalasakit sa kaibigang si dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr.
Ayon sa kalihim, last act of friendship na ang paghahatid niya sa dating senador sa Sandiganbayan kahapon.






















