Sa pagpapatuloy ng oral arguments sa Supreme Court kaugnay ng petisyon laban sa 2024 hanggang 2026 General Appropriations Act, iginiit ng isang mahistrado ang pagtanggal sa unprogrammed appropriations dahil sa panganib nitong magamit sa korapsyon.
Samantala, inusisa ng mga mahistrado si Solicitor General Darlene Marie Berberabe hinggil sa kapangyarihan ng budget secretary na maglabas ng pondo.






















